Irerekomenda ng Senado ang pagsasampa ng kaso laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito ay dahil pa rin sa hindi pagharap ni Guo sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa iligal na operasyon ng mga POGO sa kabila ng arrest order laban sa alkalde.
Batay sa magiging rekomendasyon ni Senator Sherwin Gatchalian, magsasampa ang Senate secretary laban kay Guo ng kasong paglabag sa Article 150 ng revised penal code ukol sa “disobedience to summons” o pagsuway sa pagpapatawag sa kanya ng Senado.
Sinuportahan naman ni Senate President Chiz Escudero ang mungkahi ni Gatchalian at kung sakali ay magiging “test case” ito dahil ngayon lang magsasampa ng kaso ang Senado ng kaso laban sa hindi pagharap ng isang indibidwal sa imbestigasyon.
Ang kasong disobedience to summons ay may parusang arresto mayor o pagkakabilanggo ng isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan at may multang P40,000 hanggang P200,000.