Senado, isasailalim sa total lockdown bukas

Nagpasya si Senate President Tito Sotto III na isailalim sa total lockdown ang buong gusali ng Senado bukas para sa sanitation at disinfection.

Dahil dito ay walang empleyado ang maaring pumasok sa gusali bukas at wala ring sesyon habang ginagawa ang full sanitation.

Ang mga pagdinig naman ng iba’t ibang komite ay pwedeng gawin, basta online lahat.


Ang deriktiba ni Senate President Sotto ay dahil sa pumasok na empleyado sa bills and index section kanina na natuklasang positibo sa COVID-19 habang ang misis nito ay nabatid na positibo rin sa virus.

Ngayon ay naka-quarantine na ang mga kasamahan ng nabanggit na empleyado sa second team ng skeletal force ng bills and index section.

Walang natira sa nasabing tanggapan dahil naka-quarantine pa rin ang first team ng kanilang tanggapan.

Ayon kay Senate President Sotto, hindi sila pwedeng mag-sesyon kung walang taga bills and index kaya sa Miyerkoles na sila magsasagawa ng sesyon.

Facebook Comments