Pinagtibay na sa Senado ang resolusyon na kumikilala sa Powerlifting Association of the Philippines na humakot ng medalya sa nagdaang 2022 Southeast Asian Cup sa Malaysia.
Mahigit 70 medalya ang napanalunan ng 21-man Team Pilipinas.
Sa mga nahakot na medalya ng bansa, 23 ang gold, 13 silver at 13 bronze medals ang napanalunan ng Men’s Team; habang 21 gold, apat na silver at apat na bronze medals ang nasungkit ng Women’s Team.
Bukod pa sa mga medalya, sampung bagong Asian records ang naitala ng Philippine team.
Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, ang naging magandang performance ng mga atleta ang nagtulak sa Senado para itaas sa P2.3 billion ang pondo ng Philippine sports sa 2023 mula sa P725 million ngayong taon.
Umapela naman si Senator Christopher “Bong” Go ng suporta sa ating sports dahil bukod sa mga powerlifter ay marami pang “promising athletes” sa ating bansa.