Hindi pa nagbibitiw si Senator Francis Tolentino bilang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Lumutang ngayong Linggo ang balitang nagbitiw na si Tolentino bilang Chairman ng Blue Ribbon sa Senado kung saan umuugong naman ang pangalan ni Senator Alan Peter Cayetano bilang kapalit ng senador.
Sa maikling ambush interview kay Senate President Juan Miguel Zubiri, sinabi nitong wala pang resignation letter na ibinibigay si Tolentino sa kanya.
Bukod dito nasa ibang bansa rin ngayon si Tolentino at hindi pa sumasagot sa mga katanungan ng estado ng kanyang Chairmanship sa Blue Ribbon.
Wala ring maibigay na ibang impormasyon ang Senate Secretariat sa umano’y pagbibitiw ni Tolentino.
Giit ni Zubiri, hindi puwedeng mag-resign si Tolentino na absent o wala ang presensya nito sa Senado.
Nang matanong naman si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa resignation ni Tolentino, sinabi ng senador na ito ay desisyon ng body at hindi siya pwedeng magdedesisyon dito.
Hindi pa rin nakikita ni Villanueva kung may isinumite nang resignation letter si Tolentino.