
Magdaraos ng caucus ngayong hapon ang mga miyembro ng Senado para pag-usapan ang ilang mga mahahalagang panukala na nais nilang maging bahagi ng prayoridad ngayong taon.
Gayunman, sinabi ni Senate President Chiz Escudero na wala sa agenda ng caucus ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte pero posible pa rin itong mapag-usapan mamaya.
Muli ring iginiit ni Escudero na sa huli ay kailangang sundin ang Konstitusyon at ang Korte Suprema ang sole body na may kapangyarihang i-interpret ang Konstitusyon.
Iginiit ni Escudero na iba man ang kanyang opinyon sa impeachment ay hindi ito ang magiging posisyon ng kabuuan ng Senado.
Binigyang-diin ng mambabatas na sila ay magdedesisyon bilang isang collective body upang sa gayon ay maiwasang matawag o magmistulang “banana republic” ang bansa.









