Senado, magdo-double time sa pag-apruba ng Maharlika Investment Fund Bill bago ang “sine die adjournment”

Magdo-‘double time’ ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso para maihabol na mapagtibay ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, batay sa kanilang timeline ay target nilang maipasa ngayong linggo ang Sovereign Wealth Fund kasunod na rin ng pagsertipika dito ng pangulo bilang urgent.

Aniya pa, posibleng mag-extend sila ng sesyon hanggang sa Huwebes bago ang sine die adjournment o pagtatapos ng first regular session ng 19th Congress ngayong linggo.


Bago ang sesyon mamaya ay magpupulong muna silang mga senador para pagusapan ito at may posibilidad na palawigin ang sesyon ngayong linggo at hindi na ia-adjourn para magtuluy-tuloy na rin ang mga debate at pagtatanong ng mga kapwa senador.

Dahil may reservations ang mga kasamahang mambabatas ay inaasahan ni Villanueva na uumagahin na sila ngayong Lunes hanggang Martes para sa mabilis na pag-apruba ng panukala.

Facebook Comments