Senado, magdodoble-kayod sa pag-apruba ng mga mahahalagang panukalang batas sa 2024

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagdodoble-kayod sa susunod na taon para makapag-apruba ng mas marami pang mahahalagang panukalang batas.

Tinitiyak ng Senado na maipapasa nila ang mga kinakailangan lang na panukalang batas para mas umunlad ang ating ekonomiya, mas humusay ang kabuhayan ng mamayan at makalikha ng mas maraming trabaho.

Ilan lamang sa target na ipasa ng Senado sa pagbabalik ng sesyon sa huling linggo ng Enero ay ang isinusulong na panukalang dagdag na sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor.


Ayon kay Zubiri, may committee report na ang panukalang dagdag sa minimum wage para sa private sector kaya ito ay ma-i-sponsoran na sa pagbabalik ng sesyon at posibleng sa buwan ng Pebrero ay mapagtibay na ito.

Bukod dito ay marami pa aniyang iba’t ibang panukalang batas ang magbibigay ng dagdag ayuda at benepisyo para sa ating mga kababayan na nangangailangang maipasa ng Mataas na Kapulungan sa pagbabalik ng sesyon sa susunod na buwan.

Facebook Comments