Senado, magpapatawag ng isa pang pagdinig ukol sa pagsadsad ng Xiamen plane

Manila, Philippines – Magpapatawag ng isa pang pagdinig ang senate committee on public services kaugnay ng naging aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dulot ng pagsadsad ng eroplano ng Xiamen airline.

Ayon kay si Senadora Grace Poe, chairman ng komite, pag-uusapan nila sa susunod na pagdinig ang planong expansion ng NAIA at dagdag na mga paliparan sa bansa.

Aniya, hihingin rin niya ang pananaw ng kapwa niya senador kaugnay ng nasabing usapin bago maglabas ng rekomendasyon ang kaniyang komite.


Facebook Comments