Senado, magpapatuloy na ang session sa susunod na linggo

Tiniyak ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na magbabalik na ang session ng Senado sa susunod na linggo.

Ayon kay Sotto, ito ay kahit palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila na nagsimula noong August 6 at nakatakdang magtapos bukas.

Ang pahayag ni Sotto ay tugon din sa panawagan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na mag-sesyon na sila simula sa Lunes, August 23.


Nababahala kasi si Zubiri na baka magahol na sila sa panahon para talakayin at aprubahan ang mga nakabinbin na mahalagang panukalang batas.

Sakaling palawigin pa ang ECQ, sinabi ni Sotto na kung kinakailangan ay maaga silang mag-uumpisa ng session para huwag abutan ng curfew ang mga papasok na staff ng Senado.

Facebook Comments