Senado, magpapatupad ng bagong protocol laban sa COVID-19 sakaling matuloy ang pagbabalik ng sesyon sa Mayo

Tiniyak ni Senate President Tito Sotto III ang pagpapatupad ng bagong protocol para higpital ng husto ang pagpasok sa senado sakaling bumalik na ang kanilang session sa Mayo 4.

Ayon kay Sotto, para makatulong sa pagpigil ng pagkalat ng sakit ay wala ng bisitang papasukin sa senado.

Sinabi ni Sotto na kung magkaroon ng mga committee hearing ay matindi ang gagawing cross checking kung sino sino ang mga iimbitahang resource persons.


Magugunita na isang positibo sa COVID-19 ang nakadalo sa senate hearing noong Marso kaya napilitan ang mga senador na mag self quarantine.

Samantala, ang pagka-delay sa implementasyon ng national identification system ay isa sa pangunahing nais dinggin ng senado dahil nagagamit sana ito ngayon para sa mabilis na pamamahagi ng tulong pinansyal ng pamahalaan.

Diin ni Sotto, 2018 pa naisabatas ang Philippine Identification System Act o Republic Act 11055 pero hanggang ngayon ay hindi pa naipapatupad.

Facebook Comments