Senado, magsasagawa ng pagdinig tungkol sa New Senate Building

Magdaraos ng pagdinig ang Senate Committee on Accounts na pinamumunuan ni Senator Alan Peter Cayetano sa darating na Miyerkules, July 3, para i-review ang ipinatatayong New Senate Building.

Ang inisyatibong ito ay layon na maiwasan ang delay o pagkabinbin sa pagpapatayo ng proyekto na maaaring magresulta sa dagdag na gastos para sa pamahalaan.

Samantala, pormal nang nagpadala ng request ang komite kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan para sa mga hinihinging dokumento na ipinasusumite hanggang Lunes upang mabigyan pa sila ng sapat na panahon na maaral ito bago ang nakatakdang pagdinig sa Miyerkules.


Batay sa komite, noong June 14, 2024 pa sila nakikipag-ugnayan sa DPWH para sa mga hinihinging dokumento sa gusali subalit tila bingi ang ahensya at hanggang ngayon ay wala pa ring naibibigay sa komite.

Binigyan din ni Cayetano ang DPWH at Senate coordinating group kasama sina dating CA Chairpersons Senator Nancy Binay at dating Senator Ping Lacson ng dagdag na mga instructions para mas mabigyang linaw ang proyekto tulad ng timeline, inventory at table of contents ng imprastraktura.

Facebook Comments