Senado, magsasagawa pa rin ng session kahit holiday

Manila, Philippines – Tuloy ang trabaho at session ng mga senador sa darating na November 13 hanggang 15 na deklaradong holiday dahil sa gaganaping Association of South East Asian Nation o ASEAN Summit.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, ito ang napagkasunduan nilang mga senador.

Pero ayon kay Pimentel, kailangan nilang resolbahin ang isyu ng seguridad at transportasyon dahil maraming kalye ang isasara sa nabanggit na mga petsa kaugnay sa ASEAN Summit.


Sabi ni Pimentel, sa oras na mahanapan nila ng solusyon ang mga ito ay tuloy ang pasok sa senado kahit nagpasya ang kamara na sa November 20 pa mag-resume ng kanilang session.

Facebook Comments