
Magtatakda ng ground rules ang Senado para sa inaasahang pakikipagpulong sa pagitan ng mga opisyal ng Chinese embassy patungkol sa isyu ng West Philippine Sea.
Ayon kay Senate President pro-tempore Ping Lacson, ilalatag ito sa gaganaping all-senators’ caucus ngayong araw at maaaring makibahagi sa caucus na ito ang minority bloc.
Sinabi ni Lacson na magtatakda sila ng parameters kung papaano makipagusap sa isa’t isa upang maiwasan na ang magkasakitan sa mga salita.
Naunang iminungkahi ng senador ang posibilidad na pakikipag-usap ng mga senador at ng Chinese embassy matapos na ihayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan na handa siyang makipag-usap sa mga leaders ng Pilipinas upang matigil na ang word-war tungkol sa isyu ng teritoryo.
Samantala, bukas naman si Lacon na bisitahin ang Pag-asa island sa Kalayaan Island Group kung magkaroon muli ng pagkakataon na makapunta doon.
Marapat lamang din aniya na protektahan at depensahan ang Pag-asa laban sa panghihimasok ng China lalo’t ito lamang ang barangay sa isla na may mga naninirahan at namumuhay na mga Pilipino.










