Senado, makikipag-ugnayan sa PNP para sa agad na ikaaaresto ni Pastor Apollo Quiboloy

Makikipag-ugnayan ang Senate Sergeant-at-Arms sa Philippine National Police (PNP) para sa ikaaaresto ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Senate Sergeant-at-Arms Retired General Roberto Ancan, anumang oras ay maaaring arestuhin si Quiboloy at ito ay iko-coordinate nila agad sa PNP.

Sinabi pa ni Ancan na nakahanda na rin ang detention room sa Senado na pagdadalhan kay Quiboloy.


Kapag nasa kustodiya na ng Mataas na Kapulungan si Quiboloy, tanging abogado at immediate family lang nito ang pupwedeng bumisita.

Sa ngayon ay nakaantabay pa rin sa pag-aresto kay Quiboloy matapos na ilabas na kahapon ang arrest order laban sa religious leader.

Facebook Comments