Senado, malaki ang kompyansa na maipapanalo ng Office of the Solicitor General ang legalidad ng 2025 national budget

Tiwala si Senate President Chiz Escudero na maipapanalo ng Office of the Solicitor General (OSG) ang legalidad ng 2025 national budget sa Korte Suprema.

Taliwas sa mga naging puna ay nanindigan si Escudero na walang mali sa pagbuo ng batas ukol sa national budget.

Malinaw aniya sa bicameral conference committee report ng national budget na binigyan ng awtorisasyon ang finance committee ng Senado at Appropriation Committee na punan ang gaps o blanko sa budget na may 200,000 na line item.


Paliwanag pa ni Escudero, dati naman na itong ginagawa ng Kongreso para hindi matagalan sa pagpapatibay ng pambansang pondo.

Naunang sinabi ng Senate President na walang blangko nang lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang naging batas sa 2025 national budget kaya kumpyansa itong walang nilabag sa pag-apruba nito.

Facebook Comments