Senado, may karapatan na imbestigahan ang kontrobersiyang kinasasangkutan ni dating Customs Commissioner Faeldon

Manila, Philippines – Karapatan ng Senado na imbestigahan ang mga kontrobersyang kinasasangkutan ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ito ay matapos igiit ni Faeldon na mas gugustuhin niyang magsalita sa tamang komite.

Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon – tungkulin ng komite na mag-imbestiga “in aide of legislation” ang mga kontrobersya at isyu ng katiwalian na kinasasangkutan ng pamahalaan.


Tiniyak ni Gordon na maingat ang kanyang komite sa mga tsismis o hindi beripikadong impormasyon dahil hindi ito tatanggapin ng husgado.

Facebook Comments