Dahil sa lomolobong kaso ng COVID-19 cases sa bansa ay mananatiling naka-semi lockdown ang Senado, magiging mas maghihigpit sa implementasyon ng health protocols at magbabawas ng skeletal workforce.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, magkakaroon sila ng adjustments dahil sa ipapatupad na curfew na Metro Manila simula ngayong araw.
Pangunahin sa mga adjustments na tinukoy ni SP Sotto ang maagang pagtatapos ng kanilang plenaryo session tuwing Lunes hanggang Miyerkules.
Kung dati ay walang tiyak na oras hanggang gabi umaabot ang plenary sessions, ngayon ay tatapusin na nila ito pagpatak ng alas sais ng gabi.
Paliwanag ni Sotto, ito ay bilang konsiderasyon sa mga empleyado ng Senado na walang sariling sasakyan.
Inabisuhan na din ang Senate Employees na magbaon ng pagkain dahil dalawang linggong isasara para isalalim sa disinfection at sanitation ang executive lounge na kinakainan ng mga senador at ang canteen ng mga empleyado.
Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang tqtlong empleyado ng in-house caterer ng Senado.