Senado, may mga dagdag na ebidensyang magdidiin na hindi Pilipino si Mayor Alice Guo

Tiniyak ni Senator Sherwin Gatchalian na mayroon pa silang mga dagdag na ebidensya na magpapatunay sa citizenship ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Gatchalian, mayroon pa silang mga hawak na dokumento na direktang magpapatunay na hindi Filipino si Guo at ang ina nito ay si Wenyi Lin.

Aniya, hindi pa lamang nila mailabas sa ngayon ang mga nakalap na dokumento dahil nasa proseso pa sila ng validation.


Samantala, itatakda sa susunod na Martes, June 25, ang susunod na pagdinig ng Senate Committee on Women patungkol sa ni-raid na POGO sa Tarlac kung saan pinahaharap muli rito si Mayor Guo.

Sinabi ni Gatchalian na kokomprontahin nila si Guo ng mga dagdag na dokumentong nakalap tulad ng Chinese visa at ang application para sa Special Investors Resident Visa (SIRV) gayundin ang records ng biyahe noong 2008 hanggang 2011 ni Guo Hua Ping at Mayor Guo.

Kumbinsido ang mambabatas na si Guo Hua Ping at si Mayor Guo ay iisang tao lamang at may matibay na ebidensya sila na magpapatunay rito.

Facebook Comments