Senado, may paalala sa pag-iingat laban sa COVID-19 ngayong Undas

Nagpaalala ngayon si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko kaugnay sa pag-iingat na hindi mauwi sa pagtaas ng COVID-19 cases ang paggunita sa Undas.

Iginiit ng Senate Committee on Health chairman na manatiling disiplinado at sumunod pa rin sa mga health protocols ang publiko kasabay ng pagdalaw ngayon sa puntod ng mga mahal sa buhay.

Aniya, kahit pagkakataon ito na makapagpahinga at magtipon-tipon para makasama ang ating pamilya, dapat pa ring mag-ingat at huwag hayaang tumaas ulit ang kaso ng COVID-19.


Kabilang sa mga dapat sundin ang pagsusuot pa rin ng face mask kung hindi naman sagabal lalo na sa mga matataong lugar at mga pampublikong lugar sa kabila ng pagluluwag sa face mask mandate.

Partikular na inirerekomenda ng mambabatas ang pagsusuot pa rin ng face mask sa mga matatanda, ga may comorbidities, immunocompromised, buntis, hindi pa bakunado at symptomatic na indibidwal.

Facebook Comments