Senado, may pagkukunan na ng pondo para maitaas ang sahod ng gov’t nurses

Manila, Philippines – May nakita na si Senator Panfilo Ping Lacson na pagkukunan ng mahigit 3.1 billion pesos na pondong kailangan para sa umento sa sahod ng 40,000 mga nurse na nagtatrabaho sa health facilities ng gobyerno.

Tinukoy ni lacson ang 5-billion pesos na natitira sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund o MPBF.

Sa MPBF napupunta ang hindi naubos na budget ng nga ahensya ng pamahalaan para sa pagkuha ng mga bagong personnel.


Plano ni Lacson na magpasok ng special provision sa panukalang 2020 national budget para magamit ang MPBF na pandagdag sa sweldo ng mga government nurses.

Kapag ito ay naisakatuparan ay makakamit na ang Salary Grade 15 o P30,531 na sweldo kada buwan para sa mga government nurses simula Enero ng taong 2020.

Facebook Comments