Senado, muling magsasagawa ng pagdinig ukol sa pagpapataas sa volume ng imported pork at pagbaba ng taripa nito

Plano ni Senate President Tito Sotto III na magpatawag ng ikatlong pagdinig ukol sa hakbang ng pamahalaan na itaas ang dami ng aangakating karne ng baboy at ibababang taripa o buwis na ipinapataw dito.

Sinabi ito ni Sotto, kahit idinepensa muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 128 na kinapapalooban ng nabanggit na mga hakbang na tugon ng gobyerno sa African Swine Fever outbreak sa bansa.

Naniniwala si Sotto na hindi nabigyan ang Pangulo ng kompletong impormasyon kaya tinanggap nito ang mga rekomendasyon na binasehan ng inilabas na EO 128.


Una rito ay nagpahayag si Sotto na kahandaan para maipaliwanag nilang mga Senador sa Pangulo kung paano papatayin ng EO 128 ang industriya ng lokal na magbababoy at kung gaano kalaki ang mawawala sa koleksyon ng pamahalaan dahil sa ibababng taripa sa pork importation.

Facebook Comments