Senado, muling nanawagan sa pagtatatag ng DDR

Muling kinalampag ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang Senado para sa pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) sa gitna ng paghagupit ng Super Typhoon Betty sa bansa.

Binigyang diin ni Go ang kahalagahan ng pagkakaroon ng proactive measures sa pagtugon sa kalamidad.

Sa panukalang DDR, binigyang diin ni Go ang kahalagahan ng pagkakaroon ng cabinet-level department na nakatutok lamang sa disaster response at mitigation efforts.


Punto ni Go, dapat ay cabinet level para tuluy-tuloy ang rehabilitasyon at para agad na makabalik sa normal ang apektadong mga komunidad.

Iginiit pa ng mambabatas ang tuloy-tuloy na koordinasyon sa pagitan ng national government at LGUs para agad matulungan at alalayan ang mga nangangailangan na residente.

Facebook Comments