Senado, nag-isyu na ng Subpoena laban kay BuCor Chief Nicanor Faeldon

Nag-isyu na ng Subpoena ang Senate Blue Ribbon Committee laban kay Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon.

Ito ay makaraang mag-abiso ang opisyal na hindi siya dadalo sa pagdinig ng Senado bukas kaugnay ng muntik nang pagpapalaya kay Calauan Mayor Antonio Sanchez mula sa bilibid.

Kinumpirma mismo ni Senate President Tito Sotto III na kagabi pa lang ay nilagdaan na niya ang Subpoena.


Una rito, nagbabala si Committee Chairman Richard Gordon na hindi niya itutuloy ang hearing kung hindi ito sisiputin ni Faeldon.

Binanatan naman ng Volunteers Against Crime and Corruption ang planong hindi pagdalo ng BuCor Chief sa pagdinig.

Ayon kay VACC President Arsenio “Boy” Evangelista, walang Command Responsibility si Faeldon na katangiang dapat meron ang isang opisyal ng gopbyerno.

Facebook Comments