Nagbigay ng donasyong P2.5 million ang Senado para sa mga biktima ng malakas na lindol sa Türkiye.
Personal na tinanggap kagabi sa gitna ng sesyon ni Turkish Ambassador Niyazi Evren Akyol ang pinansyal na tulong ng mga senador para sa kanyang mga kababayan.
Nagpasalamat naman si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagtutulungan na ginawa ng mga kasamahan para makalikom ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Türkiye.
Nagpasalamat din ang Senado kay dating Senator Richard Gordon na siyang nag-facilitate ng nasabing donasyon.
Bago ito ay nagpasa rin ng resolusyon ang Senado na nagpapaabot ng pakikidalamhati at pakikisimpatya sa mga residente ng Türkiye at Syria na patuloy na bumabangon ngayon sa kabila ng nangyaring trahedya sa kanilang bansa.
Facebook Comments