Senado, naghain ng resolusyon ng pakikisimpatya at pakikiramay sa pagpanaw ng dating Senador Rodolfo Biazon

Inihain ng mga senador ang resolusyon na naghahayag ng simpatya at pakikiramay ng buong senado sa pagpanaw ni dating Senador Rodolfo Biazon.

Ang resolusyon ay inihain nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at ang magkapatid na sina Senators Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano.

Binigyang pagkilala ng Senado si Biazon na isang mahusay na sundalo at public servant.


Nagsilbi si Biazon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) mula 1961 kung saan naging superintendent ito ng Philippine Military Academy (PMA) noong 1986 hanggang sa naging Chief of Staff ng AFP noong 1991.

Nagsimula itong magsilbi bilang senador noong 1992 hanggang 1995 kung saan si Biazon ang kauna-unahang mambabatas na nakapagtapos sa PMA at muling bumalik sa Senado noong 1998 hanggang 2010.

2010 hanggang 2016 nang magsilbi naman itong kinatawan ng Muntinlupa sa Kamara.

Ilan sa mga ‘remarkable’ na isinulong ni dating Sen. Biazon ang low-cost housing, benepisyo ng mga sundalo at mga pulis, AFP modernization at ang pagsusulong ng reproductive health.

Sa Lunes January 19 alas-10 ng umaga, magsasagawa naman ng necrological service ang Mataas na Kapulungan para sa yumaong senador.

Facebook Comments