Naglabas ng Medical Bulletin ang Medical & Dental Bureau ng Senado makaraang ihayag ng Department of Health (DOH) na may isa ng kumpirmadong kaso ng Coronovirus sa bansa.
Ang dalawang pahinang Medical Bulletin ay naglalaman ng paalala kung paano maproproteksyunan ang sarili laban sa Coronavirus at ito ay nakapaskil sa bulletin board pagpasok sa gusali ng Senado.
Sa unang panina ay nakasaad ang salitang Wuhan o ang lungsod sa China kung saan nagmula ang virus.
Bawat letra ay may katumbas na hakbang na dapat gawin.
Sa ikalawang pahina naman ay nakasaad ang impormasyon tungkol sa Coronavirus tulad ng mga sintomas nito na kinabibilangan ng lagnat, ubo, hirap da paghinga at kapag lumala ay maaring magresulta sa Pneumonia, Severe Acute Resperatory Syndrome (SARS), Kidney Failure at kamatayan.
Base sa impormasyong nakasaad sa Medical Bulletin, December 31, 2019 nang maglabas ng alerto ang World Health Organization (WHO) dahil sa tumaas na kaso ng pneumonia sa Wuhan City, Hubei, China.
Sa Medical Bulletin ng Senado ay tinutukoy din ang mga paalala mula sa WHO tulad ng paghuhugas ng kamay, proteksyon sa sarili at s kapwa para hindi magkasakit.
Pagtiyak na malinis ang kinakain, pag-iingat sa pagpunta sa mga palengke, at pagpapanatili sa malakas na resistensya.
Pinapayo din ang agarang pagkonsulta sa doktor sa oras na may maramdaman sa alinmang sintomas lalo o may nakahalubilo na nagmula sa China.