Naka-half mast na ngayon ang watawat ng Pilipinas sa harap ng gusali ng Senado alinsunod sa utos ni Senate President Tito Sotto III.
Ito ay nagpapakita ng pagluluksa kasunod ng balitang pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aguino.
Bagama’t wala pang official statement patungkol kay dating Pangulong Aquino ay sinabi ni SP Sotto na kapag ang dating pangulo ay pumanaw, buong bansa ay nagluluksa kahit anuman ang panig ng politikang kinaaniban.
Ang mga senador naman na kabilang sa Liberal Party (LP) ay no comment muna dahil wala pang pahayag ang pamilya Aquino.
Pero sila ay nagpahayag ng kalungkutan at humihiling ng panalangin para sa dating pangulo at kaniyang pamilya.
Si dating Pangulong Aquino ay naging senador mula 2007 hanggang 2010 at chairman ng LP mula 2010 hanggang 2016.