Manila, Philippines – Nakahalf-mast na ang watawag ng Pilipinas sa senado bilang pagluluksa sa pagpanaw ni dating Senator Leticia Ramons Shahani.
Plano ding magkaloob ng Senado ng necrological service para sa yumaong senador ngayong darating na Huwebes.
Pinuri ni Senate President Koko Pimentel ang galing ni Shahani pagdating sa mga isyung may kinalaman sa foreign relations ng bansa.
Sabi naman ni Senator Grace Poe, dahil sa pagpanaw ni Shahani ay nawalan tayo ng isang matatag na tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan, isang pursigidong maka-kalikasan, at isang bihasang diplomat.
Para kay Senator Poe, inspirasyon si Shahani sa maraming henerasyon ng kababaihan dahil sa kanyang hindi natitinag na prinsipyo at tiyak na aksyon.
Pinuri naman ni Senator Loren Legarda ang pagiging advocate ni Shahani ng cultural preservation, environmental protection at women’s rights.
Magugunitang noong 2015, ay naghain din si Legarda ng resolusyon na kumikilala dedikayson ni Shahani sa public service ay kanyang kontribusyon sa ating bansa.
Binigyang diin naman ni Senator Sonny Angara na kahit wala na sa gobyerno si Shahani ay nanatili itong credible voice sa mga mahahalagang isyu sa bansa.
Kumpyansa naman si Senato Gringo Honasan na si Shahani ay mananatili sa puso ng mga Pilipino na kanyang minahal at pinagsilbihan.
Sabi naman ni Minority Senate Minority Leader Franklin Drilon, ipinakita ni Shahani ang galing, talino at determinasyon ng mga Pinay.
Dagdag pa ni Drilon, ikinararangal niya na nakasama niya sa mataas na kapulungan si Shahani dahil isa itong halimbawa na tunay na public servant.