Nakikiramay ang buong Senado sa pagpanaw ni dating Senator Santanina Tillah Rasul sa edad na 94.
Naka-half-mast mula pa kahapon ang bandila sa mataas na kapulungan bilang pagpapakita ng pagdadalamhati at pakikiramay sa pamilya ng dating senador.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, si Rasul ang isa sa mga pioneer at nagiisang babaeng Muslim na nagsilbi sa Senado.
Aniya, si Rasul ang nagbukas sa mga kababaihan sa Senado na sundan ang kanyang yapak para sa mga future generation na mga babaeng mambabatas.
Nananatili aniyang matatag hanggang sa ngayon ang mga batas na iniakda ng dating senadora tulad ng paggunita sa National Women’s Day tuwing March 8, ang Women in Development and Nation Building Act na nagbigay daan para makapasok ang mga kababaihan sa Philippine Military Academy.
Pinuri naman ni Senator Robin Padilla si Rasul sa pagiging dedicated public servant nito pagdating sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mga kababaihan, educational reforms at pagsusulong ng kapayapaan.