Senado, nagpasa ng resolusyon na nag-uutos na ipetisyon sa Supreme Court ang pagbabawal ng pangulo na dumalo sa Senate hearing ang kanyang cabinet members

Pinagtibay ngayon ng Senado ang Senate Resolution No. 946 na inihain ni Senate President Tito Sotto III.

Inuutos na nabanggit na resolusyon ang paghahain ng Senado ng petisyon sa Kataas-taasang Hukuman.

Kaugnay ito sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalan ang miyembro ng kanyang gabinete o mga opisyal ng Ehekutibo na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.


Patungkol ang pagdinig sa umano’y mga iregularidad sa pagbili ng gobyerno ng pandemic supplies.

Iginigiit sa resolusyon na ginagarantiyahan ng Konstitusyon ang kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon na kailangan sa pagbalangkas niyo at pagpasa ng mga panukalang batas.

Facebook Comments