Senado, nagpasa ng resolusyon ng pakikiramay at pagkilala sa mga ginawa ni dating DENR Sec. Gina Lopez

99

Pinagtibay ng Senado ang mga resolusyon na inihain nina Senators Lito Lapid at Manny Pacquiao na napapahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Environment Secretary Gina Lopez.

Sa resolusyon ay kinilala ng mga senador ang magagaling na ginawa ni Lopez para sa preservation at conservation ng environment na nagdulot ng mabuting epekto sa bansa at sa mamamayang pilipino.


Binigyang diin pa sa resolusyon ang pagsusulong ni Lopez sa karapatan  at kapakanan ng mga bata.

Para sa mga senador, kahanga-hanga ang pagiging mapagmahal at mapagmalasakit ni Lopez na tunay na inspirasyon para sa lahat.

Facebook Comments

From Advertisers