Friday, January 16, 2026

Senado, nagpatupad ng partial suspension sa trabaho ngayong araw

Nagpatupad ngayong araw ng “partial suspension” ng trabaho ang Senado bunsod pa rin ng patuloy na pagbuhos ng ulan at pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila.

Sa advisory na inilabas kagabi ng tanggapan ni Senate Secretary Renato Bantug Jr, ipinag-utos ni Senate President Chiz Escudero ang pagpapatupad ng partial suspension ng trabaho sa ilang mga tauhan sa Mataas na Kapulungan.

Sa partial suspension, tanging mga senate officials at employees na hindi kasama sa preperasyon para sa 20th Congress ang hindi obligadong pumasok ngayong araw pero ito ay depende pa rin sa discretion ng kanilang principal o opisina.

Samantala, kailangan namang pumasok sa trabaho ang mga Senate secretariat officials at employees na kailangan para sa paghahanda sa pagbubukas ng 20th Congress sa susunod na linggo.

Kasama rin sa kailangang pumasok ang mga heads ng mga tanggapan sa Senado na may papel din sa pagbabalik sesyon.

Ang mga tauhan naman ng Office of Senate Sergeant-at-Arms at Maintenance and General Services Bureau na may shifting schedule ay kailangan ding mag-report sa trabaho.

Facebook Comments