Senado, nagrekomenda muli sa Malacañang ukol sa taripa at dami ng aangkating karne ng baboy

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, muling nagpadala ng rekomendasyon ang Senado sa Malacañang ukol sa nararapat na minimum access volume o dami ng aangkating karne ng baboy at taripa na dapat ipataw rito.

Sabi ni Sotto, ang panibagong mungkahi ay base sa ginawang caucus ng mga senador kahapon na agad niyang ipinadala kay Finance Secretry Carlos Dominguez.

Minabuti ni Sotto na huwag munang idetalye ang laman ng kanilang rekomendasyon dahil hindi pa aprubado ng Malacañang.


Ang hakbang ng Senado ay layuning isalba ang local hog industry na posibleng mamatay dahil sa laman ng Executive Order number 128 na nagtataas sa 404,000 metriko tonelada ng aangkating pork at nagbababa sa 5 to 10 percent ng taripa nito.

Ayon kay Senator Kiko Pangilinan, ang kanilang rekomendasyon ay malapit sa rates ng Department of Finance (DOF) at hindi rin nalalayo sa mungkahi ng local hog raisers.

Sabi naman nina Senator Manny Pacquiao at Senator Imee Marcos, mas makatwiran kung nasa 200,000 metriko tonelada ang minimum access volume ng aangkating pork at ibaba lang sa 15 hanggang 20 percent ang kasalukuyang 30 to 40 percent na taripa.

Facebook Comments