Senado, nagsagawa ng dry run sa pagtanggap ng COCs at ERs ng mga boto para pangulo at ikalawang pangulo

Ang Senado ang mag-iingat ng Certificates of Canvass o COCs at Election Returns o ERs ng mga boto para sa pangulo at ikalawang pangulo hanggang hindi nagsisimula ang canvassing sa mga ito.

Kaugnay nito ay nagsagawa ng dry run ang mga opisyal at empleyado ng Senado para sa pagtanggap ng nabanggit na mga COC at ER.

Bahagi ng dry run ang pagdetermina sa description ng kondisyon ng ballot box, pagbasa sa serial number nito, at ang pag-turnover ng mga susi at keys locks gayundin ang serial number ng mga self-locking seal.


Lahat ng nabanggit na aktibidad ay naka-live-stream 24/7 at magiging dokumentado sa pamamagitan ng mga larawan at video.

Base sa Article VII, Section 4 ng Philippine Constitution, lahat ng ERs para sa boto sa pangulo at ikalawang pangulo na sinertipikahan ng Board of Canvassers ng bawat lalawigan at lungsod ay kailangang ibigay sa Kongreso na idadaan sa pangulo ng Senado.

Facebook Comments