Senado, nakaantabay sa ikalawang report ng Pangulo ukol sa implementasyon ng Bayanihan Act

Inaatabayan ngayon ng mga senador ang isusumiteng ikalawang report ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa impelementasyon ng Bayanihan to Heal as One Act.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pangunahin sa inaasahan nilang laman ng report ang kongkretong detalye kung paano ipapamahagi ang tulong pinansyal ng gobyerno sa 18-milyong mahihirap na pamilya na lubhang apektado ng mga hakbang laban sa COVID-19.

Si Senate President Pro Tempore Ralph Recto naman, umaasa na dagdagan na lang ng 30-porsyento ang 18-milyong mahihirap na pamilya na target pagkalooban ng financial assistance.


Pabor din si Senator Panfilo “Ping” Lacson, na dagdagan ang mga makikinabang sa tulong ng gobyerno na mula 5,000 hanggang 8,000 pesos.

Pero ayon kaya Lacson, dapat ay maplantsa agad ang hindi magkatugmang listahan ng national government at mga Local Government Units (LGUs) ng mga pamilyang kwalipikadong mabigyan ng ayuda lalo’t nagigipit at nakakaranas na ng gutom ngayon ang mga ito.

Facebook Comments