Senado, nakaantabay sa report ng Palasyo kaugnay sa martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Naipadala na sa tanggapan ni Senate President Koko Pimentel ang kopya ng proclamation number 216 kung saan nakapaloob ang dekalarasyon ni Pangulog Rodrigo Duterte ng martial law at suspensyon ng writ of habeas corpus sa buong Mindanao.

Pero ang mga senador nakaantabay pa rin sa report ng Palasyo ukol sa nabanggit na hakbang ng Pangulo.

Ayon kina Senate President Koko Pimentel mahalagang mabasa nila ang report dahil naglalaman ito ng kabuuang detalye sa ginawang deklarasyon ni Pangulong Duterte ng batas militar sa Mindanao.


Ganito rin ang posisyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Sabi naman ni Senator Chiz Escuero, makabubuting basahin muna nila ang nabanggit na report dahil hindi sapat ang mga impormasyong hawak nila ngayon para husgahan kung epektibo ba ang hakbang ng Punong Ehekutibo sa gulo sa Marawi City.

Sabi naman ni Liberal Party President Francis Kiko Pangilinan, sa nabanggit na report nila makikita kung naaayon ba sa itinatakda ng konstitusyon ang basehan ba ang ginawa ni Pangulong Duterte na pagsailalim ng buong Mindanao sa batas militar.
DZXL558

Facebook Comments