Nakahanda na ang rules na aaprubahan ng Senado para sa pagtalakay ng Charter change (Cha-cha).
Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, bagama’t wala pang lagda ng mga miyembro ng Committee on Rules pero sinang-ayunan na nila ito ‘in principle’.
Sa nasabing rules ay itatratong panukalang batas ang Cha-cha proposal at dadaan ito sa tatlong pagbasa.
Hiwalay rin itong aaprubahan at pagbobotohan ng Senado at Kamara.
Para madetermina na hindi sila mga mambabatas at gumaganap sila bilang Constituent Assembly ay magsusuot sila ng robe.
Inaprubahan na sa Kamara ang bersyon ng panukalang Cha-cha o ang Resolution of Both Houses no. 7 habang sa Senado naman ay kasalukuyan pang tinatalakay sa subcommittee ang Resolution of Both Houses no. 6.
Facebook Comments