Senado, nakahandang i-adjust ang 2023 budget para sa mga biktima ng kalamidad

Handa ang Senado na magsagawa ng adjustment sa pambansang pondo para matugunan ang pangangailangan ng mga biktima sa magkakasunod na kalamidad.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, kailangan nilang repasuhin at i-adjust ang 2023 national budget para sa mga nasalanta ng magkasunod na lindol sa Abra at ng Bagyong Paeng.

Kailangan na ring isaayos ang magkakahiwalay na Disaster Response Management ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.


Iginiit pa ni Zubiri na dapat ay magkakatugma ang lahat ng ito para sa isang Whole of Government Approach.

Sa November 7 ay inaasahang isasalang na sa plenary deliberation ng Mataas na Kapulungan ang P5.268 trillion 2023 national budget.

Facebook Comments