Inamin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na nababahala siya sa posibleng mangyari sa gagawing Christmas convoy ngayong linggo sa West Philippine Sea (WPS).
Kaugnay pa rin ito sa dalawang magkasunod na panibagong pangha-harass ng China Coast Guard (CCG) sa ating mga tropa na nasa gitna ng isang humanitarian mission sa Scarborough Shoal at resupply mission sa Ayungin Shoal nitong Sabado at Linggo.
Aminado si Zubiri na sobra siyang nabahala sa maaaring mangyari at sa kaligtasan ng volunteers sa gagawing Christmas convoy lalo’t ginawang habit ng China ang sirain ang kada linggo ng Pilipinas sa pambu-bully sa atin sa West Philippine Sea.
Nanawagan naman si Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones Chairman Senator Francis Tolentino sa international community na manatili ang pagkakaisa laban sa harassment ng China.
Hinimok din nito ang international community na panatilihin ang masayang pagbibigayan, pagkakaibigan at huwag magpaapekto at payagang sirain ng China ang masaya nating Pasko.