Senado, nanindigan na hindi na kailangang isalang sa bicam ang panukalang bubuwag sa road board

Manila, Philippines – Nagkasundo ang mga senador na huwag bumigay agad sa hirit ng kamara na isalang pa sa Bicameral Conference Committee (bicam) ang naipasang panukala na bubuwag sa road board.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III at Senate Minority Leader Franklkn Drilon, ito ang desisyong nabuo sa kanilang isinagawang caucus ngayong araw.

Ang dahilan, sabi nina Sotto at Drilon, ay dahil in-adopt nila ng buo ang bersyon ng kamara sa nabanggit na panukala kaya wala ng dapat pag-usapan sa bicam.


Sabi nina Sotto at Drilon, bahagi din ng napagpasyahan nila ang gagawing pakikipagpulong bukas ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kay house Majority Leader Rolando Andaya para talakayin ang usapin.

Dagdag ni Sotto, muling magsasagawa ng caucus silang mga senador hinggil sa magiging resulta ng pag-uusap nina Zubiri at Andaya.

Facebook Comments