Senado, napuno na; Customs, hinamon ng isang senador na sampulan na ang mga smuggler ng agricultural products

“Magsampol naman kayo!”

Ito ang ipinanawagan ni Food and Agriculture Committee Chairman Senator Cynthia Villar sa Bureau of Customs (BOC) na papanagutin na sa batas ang mga tukoy na smugglers ng agricultural products sa bansa.

Sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa mataas na presyo ng sibuyas, iginiit ni Villar na 2013 pa nila natukoy sa Senado si “Leah Cruz” na siyang big-time smuggler ng sibuyas sa bansa at dapat nahuli na ito ng Customs.


Aminado si Villar na tinatamad na siyang mag-imbestiga tungkol sa isyu ng smuggling ng mga gulay dahil ‘common knowledge’ naman na kung sino ang mga utak ng mga iligal na produktong agrikultural na ipinupuslit sa bansa.

Giit ni Villar sa Customs ay ikulong ang mga identified na smuggler nang sa gayon ay matapos na ang problema dahil kung walang makukulong ay walang madadala at walang matatakot na gumawa ng iligal sa bansa.

Mayroon ding tinukoy ang mambabatas na ilan pang contraband lords sa port of Subic at Batangas na nagbibigay ng suhol sa mga smugglers at mga kasabwat sa Customs para mabigyang proteksyon ang kanilang smuggling activities.

Facebook Comments