Senado, natanggap na rin ang kopya ng 2020 National Budget

Natanggap na ng Senado ang kopya ng ₱4.1 Trillion National Budget para sa taong 2020.

Personal na ipinaabot ni Acting Budget Sec. Wendel Avisado ang kopya kay Senate President Tito Sotto III kahapon.

Present din sa hand-over sina Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Minority Leader Franklin Drilon, Finance Committee Chairperson Sonny Angara, at Sen. Panfilo Lacson.


Ang Senate Finance Committee ay inaasahang makakapulong ang Development Budget Coordination Committee sa August 28 at 29.

Hihintayin din ng Senado na matapos ng Kamara ang deliberasyon nito sa budget bago opisyal na talakayin ang expenditure program.

Facebook Comments