Senado, pag-aaralan ang mga rekomendasyon ng civil society groups para sa pagpapalakas ng proseso ng budget

Pag-aaralan ng Senado ang mga inilatag na rekomendasyon ng ilang civil society organizations na dumalo sa konsultasyon para sa pagpapalakas ng budget process.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian, isa sa rekomendasyon na posibleng i- adopt ng Senado sa pamamagitan ng isang special provision ay ang pag-obliga sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na ma-access ang kanilang dokumento.

Sa ganitong paraan ay mayroong transparency at magiging katuwang ng Mataas na Kapulungan ang mga CSOs sa pag-analisa ng mga proyekto sa DPWH.

Dahil ilalagay ang special provision na ito sa pambansang budget, kailangang mag-comply ng DPWH dahil kung hindi ay hindi rin nila magagamit ang kanilang pondo.

Samantala, pag-aaralan din kung palalahukin din sa bicameral conference committee ang mga civil society groups pero tiniyak na ang bicam ay naka-livestream at masasaksihan ng publiko.

Facebook Comments