Senado, pag-aaralan ang pagsasailalim kay Grijaldo sa WPP

Pag-aaralan ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang rekomendasyon ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na isailalim sa Witness Protection Program (WPP) si Mandaluyong Police Chief Col. Hector Grijaldo.

Nauna rito ay ibinunyag ni Grijaldo sa pagdinig ng Senado sa war on drugs na inutusan umano siya nina Sta. Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez at Manila Rep. Benny Abante na sang-ayunan si Ret. Police Col. Royina Garma tungkol sa pagbibigay ng pabuya sa bawat mapapatay na drug suspect.

Ayon kay Senate President Francis Escudero, pwedeng pag-aralan ng Senado ang mungkahing ipasailalim sa WPP si Grijaldo lalo’t aktibong pulis pa ito.


Wala namang balak ang Senado na imbitahan sa drug war probe sina Fernandez at Abante at sa halip ay pwedeng imbitahan na lamang ng Kamara sa Quad Committee hearing si Grijaldo.

Sa kabilang banda, itinatanggi naman ng mga kongresista ang akusasyon ng opisyal.

Facebook Comments