Senado, paiimbestigahan ang reklamong hindi pagbibigay ng buo ng ayuda sa mga benepisyaryo

Nagpasya si Senate President Juan Miguel Zubiri na ipasiyasat sa Blue Ribbon Committee ang umano’y pananamantala sa ayuda ng mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Kaugnay na rin ito sa privilege speech ni Senator JV Ejercito, sa ayuda scam sa lungsod ng San Juan kung saan kinakaltasan ang ayuda ng mga recipients ng TUPAD program ng DOLE.

Isang libong piso na lamang aniya ang natatanggap ng mga beneficiaries ng TUPAD dahil may kumukuha ng P6,500 dito.


Sinuportahan naman nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pagpapaimbestiga sa ayuda scam sa ibang lugar lalo’t minsan na rin nilang idinulog sa Senado ang mga katiwalian sa pagtapyas sa benepisyo sa kanilang mga lugar sa Bulacan at Davao.

Maging si Zubiri ay may impormasyon na napupunta sa kamay ng mga staff ng mga kongresista o mayor ang pondo para sa ayuda program ng DSWD at DOLE at ito ay malinaw na paglabag sa batas.

Facebook Comments