Ipinapaabot ni Senator Panfilo “Ping” Lacson sa publiko na naging patas para sa lahat ng panig ang ginawang pagdinig ukol sa red-tagging ng pinamumunuan niyang Committee on National Defense and Security.
Diin ni Lacson, sa tatlong hearing ukol sa red-tagging, ay parehong binigyan nya ng sapat na oras ang Makabayan Bloc at security officials ng gobyerno para magsalita at magpresinta ng kani-kanilang testigo at mga ebidensya.
Sa kasalukuyan, ay tumatanggap ng papuri si Lacson habang inuulan din sya ng bashing o batikos.
Ayon kay lacson na-trace nila na kabilang sa mga namba-bash sa kanya sa social media ay mga netizen at bloggers na nasa panig ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Malacañang dahil sa umano’y pagkampi nya sa Makabayan Bloc.
Sa kabilang banda ay binabanatan din si Lacson ng mga militanteng grupo sa pagsasabing naging venue ng witch hunting ang imbestigasyon ng Senado.