Senado, pinaalalahanan ang PhilHealth sa maingat at episyenteng paggamit ng kanilang pondo

Pinaalalahanan ni Senator Christopher “Bong” Go ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na maging maingat at epektibo sa paggamit ng public funds matapos na aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng insurance premiums sa mga kwalipikadong mahihirap na benepisyaryo.

Aabot sa P25.1 billion ang inaprubahan at nai-release na insurance premiums para sa mahigit walong milyong qualified at enrolled Filipino indigents.

Ayon kay Go, malaking bagay na sasagutin ng PhilHealth ang bayarin sa medical services ng mga mahihirap na kababayan sa ilalim ng Universal Health Care Law.


Sinabi ni Go na ang pag-apruba sa budget ng PhilHealth ay nagpapakita ng pagtitiyak sa tuluy-tuloy na operasyon at epektibong pagpapatupad ng healthcare programs.

Tiniyak ni Go na bilang Chairman ng Committee on Health sa Senado na sisiguraduhin ang paglalaan ng sapat na pondo at mahigpit na magbabantay sa paggugol ng pondo ng PhilHealth.

Facebook Comments