Isinusulong ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang panukalang batas na magbibigay ng awtoridad kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na isagawa ang rightsizing sa operasyon ng gobyerno.
Nakapaloob sa Senate Bill 1474 na inihain ni Villanueva ang pagbibigay ng kapangyarihan sa pangulo na bawasan at ipatigil ang mga programa at proyekto ng national agencies na ginagawa na ng pribadong sektor o ng Local Government Unit (LGU).
May poder din ang presidente na magparepaso sa trabaho at responsibilidad ng mga tauhan, naka-job order at kontraktwal man sa gobyerno upang matigil ang pagdo-doble ng trabaho at posisyon.
Ang pangulo rin ang magpapasara o magpapahinto sa operasyon ng mga ahensya ng pamahalaan na maaari nang buwagin, pag-isahin o kaya ay bawasan ang operasyon.
Magtatatag naman ng Committee on Rightsizing para tulungan ang pangulo at ito ay bubuuhin ng executive secretary na tatayong chairperson at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno.