Senado, pinabulaanan na may inihaing resolusyon na nagpapa-dismiss sa impeachment case laban kay VP Sara

Itinanggi ni Senate President Chiz Escudero na may inihaing resolusyon sa Senado na nagpapabasura sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Escudero, walang resolusyon na inihain o nakabinbin man lang hanggang sa makaalis siya kagabi sa Senado.

Naniniwala naman si Senate Minority Leader Koko Pimentel na malaki ang tyansang hindi authentic ang naturang kumakalat na resolusyon.

Mali pa aniya ang ginamit na quotation sa Constitutional provision kaya flawed o may depekto ang naturang pekeng resolusyon.

Maging sina Senators Joel Villanueva, JV Ejercito, Cynthia Villar at Risa Hontiveros ay wala pang nakikitang ganitong resolusyon na inihain sa Mataas na Kapulungan.

Samantala, tumanggi namang sumagot si Senator Bong Go tungkol sa resolusyon na nagpapa-dismiss sa impeachment case ni VP Sara habang napatanong naman si Senator Bato dela Rosa kung mayroon bang ganoong resolusyon.

Facebook Comments