Senado, pinadadagdagan ang tulong pinansyal para sa mga lifeliner consumer

Isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian na dagdagan ng gobyerno ang subsidiya para sa mga low-income consumer o iyong mga maliliit ang kita na may mababang konsumo ng kuryente.

Karagdagang ₱1 per kilowatt hour ang iminungkahi ni Gatchalian na tulong para sa mga lifeline consumer o kabuuang ₱418 million na kukunin mula sa pambansang pondo.

Layunin ng dagdag na pinansyal na tulong ay para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng bilihin sa mga mahihirap na kababayan.


Sa pagpapatupad ng Lifeline Rate Extension Act na iniakda ni Gatchalian, ang isang lifeliner sa Metro Manila ay nakatipid sa kuryente ng ₱194.36 noong Pebrero ng nakaraang taon at ₱233.34 naman ang natipid sa singil sa kuryente ngayong Pebrero ng 2023, o 14.91% din ang itinaas sa natipid na singil bunsod ng pagtaas ng inflation rates.

Kung mabibigyan pa ng pamahalaan ng dagdag na ₱1 kada kWh na subsidy, tataas pa ang matitipid ng mga lifeline consumers na maaaring umabot ng humigit kumulang ₱296.67 kada buwan at ang matitipid na ito ay maaaring makabili ng 7.5 kilo ng bigas sa halagang ₱39.19.

Aabot sa mahigit apat na milyong households ang tinukoy na benepisyaryo ng lifeline rate subsidy sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Facebook Comments